← Back to News

Uncategorized

Magkakaroon po ng on-site tax assistance ang Bureau of Internal Revenue Revenue District Office No. 21B – South Pampanga sa Santa Ana Municipal Hall ngayong Miyerkules, October 14, 2026, mula 9:00 AM hanggang 4:00 PM.

Maaaring lumapit ang ating mga kababayan para sa mga katanungan at assistance kaugnay ng open cases at stop-filer cases, transfer of title, tax compliance, iba pang tax concerns, at BSMART activities para sa mga barangay.

Inaanyayahan po ang mga Pimpeñong may mga katanungan o kailangang ayusin na may kaugnayan sa BIR na samantalahin ang pagkakataong ito upang makakuha ng direktang tulong at tamang impormasyon mula sa RDO 21B.