← Back to News

Uncategorized

Inaanyayahan po ang ating mga kababayan na makiisa sa Blood Letting Activity ngayong Biyernes, October 09, 2026, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN sa 2nd Floor, Multi-Purpose Building, New Municipal Hall Grounds, Sta. Ana, Pampanga.

Sa simpleng pagdo-donate ng dugo, maaari tayong makatulong sa pagsagip ng buhay ng ating kapwa. Bukod dito, may kasama ring libreng blood pressure at health screening para sa mga donor.

Bukas po ito sa mga edad 18 hanggang 60. Huwag kalimutang magdala ng valid ID.

Ang aktibidad na ito ay pangungunahan ng RHU Sta. Ana at opisina ni Mayor Dinan Labung, katuwang ang Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH) at Pampanga Provincial Health Office (PHO).